Biyernes, Oktubre 31, 2025

Pag-alala

PAG-ALALA

inaalala kita
O, aking sinisinta
sa puso'y lalagi ka
saan pa man pumunta

pag puso ko'y pumintig
batid kong nakatitig
ka sa akin, pag-ibig
nati'y di malulupig

pagsinta'y laging bitbit
na sa puso'y naukit
ngalan mong anong rikit
ang sinasambit-sambit

sa mga tulang tulay
ko sa iyo't inalay
sa kabila ng lumbay
lagi kang naninilay

- gregoriovbituinjr.
10.31.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Narinig lang po

NARINIG LANG PO ‎ ‎minsan, narinig kong isang kasama'y nagsalitâ: ‎"Bantayan n'yo si Greg, pagkat mga isyu ng dukhâ ‎at lipuna...