Biyernes, Oktubre 24, 2025

Ang plakard na patulâ

ANG PLAKARD NA PATULÂ

patula ang plakard ng makatâ
na sa rali bibitbiting sadyâ
pagsingil sa korap at kuhilà
narito't basahin ang talatà:

Oktubre'y matatapos nang ganap
Wala pang nakukulong na korap
Trapong kurakot at mapagpanggap
Sa bayan ay talagang pahirap

- gregorivbituinjr.
10.24.2025

* talata - kahulugan din ay saknong pag tulâ

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang skyscraper sa Abu Dhabi

ANG SKYSCRAPER SA ABU DHABI sa kaylaking skyscraper sa Abu Dhabi ay makikita ang kaaya-ayang mukhâ ni  Alex Eala  at ng ating bandilà na isa...