ANILA
anila, nasa panahon pa
ako ng pagdadalamhati
ngunit ngayon nangangalsada
laban sa mapang-aping uri
anila, kayhirap mawalan
ng asawang tangi't inibig
sa danas kong kapighatian
sa lungkot ay huwag padaig
anila, ako'y magpalakas
ng katawan, ng diwa't pusò
pangarap kong lipunang patas
ay tuparin kong buong-buô
anila, mundo ko'y mapanglaw
pagkat araw-gabing tulalâ
sino bang sa akin tatanglaw
kundi ako ring lumuluhà
- gregoriovbituinjr.
09.29.2025
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento