PABAHAY AT TRABAHO, HINDI CHACHA
kayganda't pinaghirapang sining
sa plakard na ina'y humihiyaw
doon ay talagang idinrowing
ang hiling nila't isinisigaw
payak na panawagan ng ina
at nakikinig ang kabataan
trabaho't pabahay, hindi ChaCha
dapat unahin para sa bayan
ChaCha ay kapritso lang ng trapo
na gustong mabago'y Konstitusyon
aariing sandaang porsyento
ng dayo ang lupa't term extension
trapo'y walang inisip sa bansa
kundi lumawig lamang ang hanay
ayaw gawin ang asam ng dukha
na trahaho muna at pabahay
trapo'y ChaCha ang nais sayawin
nang sa kapangyariha'y tumagal
binabalewala'y bayan natin
na inihuhulog sa imburnal
- gregoriovbituinjr.
03.12.2024
* litratong kuha ng makatang gala noong Araw ng Kababaihan 2024
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Wala sa toreng garing
wala sa toreng garing kaming makatang taring ngunit sana'y magningning ngayong Buwan ng Sining - tanaga baybayin gbj/02.07.2026
-
SONETO SA WORLD POETRY DAY W orld Poetry Day, na isang araw ng panulaan O araw din ng mga makata't talinghagaan R ahuyo ang indayog...
-
PAG AKO'Y NAKATUNGANGA, AKO'Y NAGTATRABAHO pag ako'y nakatunganga, ako'y nagtatrabaho pag nakatitig sa kisame, nagninilay...
-
KAWAWA NAMAN ANG BUWAYA kawawa naman ang buwaya sa tusong trapo iginaya dahil ba sa kapal ng balat o pangil, kaytinding kumagat buwaya'y...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento