HINA, HINALA, HINALAY
aba'y grabe ang balitang iyon
dalagang labingsiyam na taon
yaong "hinihinalang hinalay
itinali sa puno, pinatay"
sinamantala ang kahinaan
ng mutyang marahil walang muwang
na mangyayari iyon sa kanya
gayong pupuntahan ay pagsamba
bakit kaya ang dalagang iyon
ay pinaslang ng pagayon-gayon
sinumang gumawa'y walang budhi
sa mundo'y di dapat manatili
dapat ang salarin na'y madakip
ang kanyang mundo na'y sumisikip
tiyak, nagmamahal sa biktima
ngayo'y humihiyaw ng hustisya!
- gregoriovbituinjr.
06.21.2023
* ulat at larawan mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Hunyo 20, 2023
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Mga paalala ni misis
MGA PAALALA NI MISIS bago mawala si misis ay kayrami niyang paalala: "Huwag kang magpupuyat" "Kumain ng tama sa oras" ...

-
ANG DAAN PATUNGONG QUIAPO matapos ang dalawang dekada'y muling bumili ng librong Trip to Quiapo na akda ni Ricky Lee ang naunang libro n...
-
KAWAWA NAMAN ANG BUWAYA kawawa naman ang buwaya sa tusong trapo iginaya dahil ba sa kapal ng balat o pangil, kaytinding kumagat buwaya'y...
-
ESENSYA matagal ko nang itinakwil ang sarili upang sa uri at sa bayan ay magsilbi lalo na't ayokong maging makasarili sapagkat buhay iyo...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento