Martes, Abril 25, 2023

Soneto sa rehistradong SIM

SONETO SA REHISTRADONG SIM

buti't ang sim na'y nairehistro
at di na madededo ang sim ko
pagkat hinabol ang last day nito
at ayos naman, beripikado

nagsabi kasing congratulation
successfully registered na iyon
kaysarap sa pakiramdam niyon
sim ay magagamit pa rin ngayon

ikaw ba, nakapagrehistro na?
ng sim mo, aba'y ayos naman ba?
anong pakiramdam mo, masaya?
at si Mahal ay makokontak pa!

nagrehistro kaysa ma-deads ang sim
at kung hindi'y tiyak maninimdim

- gregoriovbituinjr.
04.25.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Napilayan si alagĂ 

NAPILAYAN SI ALAGĂ€  nakita kong napilayan siya sa kapwa pusa'y napalaban ba? nabangga ba siya't nadisgrasya? nabidyuhan kong pilay n...