Linggo, Abril 16, 2023

Alaga

ALAGA

kinarga ko si Muning
matapos mapakain

pusang aking katoto
na minsan ay kasalo

isda'y pananghalian
namin hanggang hapunan

ulo'y kanyang pinapak
tinik pa'y nilamutak

mabuting alagaan
talagang kaibigan

siya ri'y nakatanghod
sa aking panonood

at mahusay pang pusa
sa paghanap ng daga

balahibo'y kayganda
at alagang talaga

pusa siyang kaylambing
lalo't ako'y humimbing

pag nangalabit siya
tiyak kong umaga na

- gregoriovbituinjr.
04.16.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Asukal na ama

ASUKAL NA AMA  ang tanong sa Dalawa Pababa ay  Sugar Daddy , ano nga kaya? Asukal na Ama  ba'y sagot ko? sapagkat tinagalog lang ito lah...