SA RIZAL PARK
nagtungo kanina sa Luneta
upang maging saksi, nakiisa
sa paggunita o pag-alala
kay Rizal, bayani't nobelista
doon binitay sa Bagumbayan
na Rizal Park na ngayon ang ngalan;
may dumating ding talaga namang
isinagawa'y palatuntunan
sa diwa tumagos ang mensahe
ng nagwika tungkol sa bayani;
naglitratuhan, pa-selfie-selfie
bilang patunay, ako'y narine
talagang inagahan ang gising
nang sa diwa historya'y tumining
nang magbangon sa pagkagupiling
ang mga anak na nahihimbing
- gregoriovbituinjr.
12.30.2022 (sa ika-126 anibersaryo ng pagbitay kay Gat Jose Rizal)
Biyernes, Disyembre 30, 2022
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ako'y nauuhaw
AKO'Y NAUUHAW "Ako'y nauuhaw!" sabi ni Hesus habang nakabayubay siya sa krus pangungusap na inalalang lubos nang Semana S...

-
ANG DAAN PATUNGONG QUIAPO matapos ang dalawang dekada'y muling bumili ng librong Trip to Quiapo na akda ni Ricky Lee ang naunang libro n...
-
KAWAWA NAMAN ANG BUWAYA kawawa naman ang buwaya sa tusong trapo iginaya dahil ba sa kapal ng balat o pangil, kaytinding kumagat buwaya'y...
-
KaWaWà aba'y mahirap ding maging kasaping maralità sa Ka pisanan ng mga Wa lang Wa là ( KaWaWà ) kalunos-lunos na ang kalagayan namin...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento