Linggo, Marso 20, 2022

Ka Luke Espiritu

KA LUKE ESPIRITU

si Ka Luke Espiritu
hindi lang abogado
siya'y lider-obrero
ilagay sa Senado

palaban, mapanuri
prinsipyado, may mithi
sa bayan at sa uri
iboto't ipagwagi

kasangga ng paggawa
at mga maralita
may mabuting adhika
may layuning dakila

para sa sambayanan
para sa kalikasan
Luke Espiritu naman
ang Senador ng bayan

- gregoriovbituinjr.
03.20.2022

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Alahoy!

ALAHOY! parang wala nang kabuhay-buhay y aring buhay kapag naninilay para bang nabubuhay na bangkay na hininga'y hinugot sa hukay may sa...