Biyernes, Oktubre 29, 2021

Paglingap

PAGLINGAP

nakangiti ang pangarap
lumulukso sa hinagap
kapag humigpit ang yakap
umiigting ang paglingap

anong ganda ng panahong
sa amin ay sumalubong
handang harapin ang hamong
di maiwasang masuong

salamat sa bawat ngiti
lagi sanang manatili
pagsinta, adhika't mithi
manatili sanang lagi

kung paglingap ay malusog
ay dahil nga sa pag-irog
habang mundo'y umiinog
rosas ka, ako'y bubuyog

- gregoriovbituinjr.
10.29.2021

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Taospusong pasasalamat sa tshirt

TAOSPUSONG PASASALAMAT SA TSHIRT tinanong muna ako ng isang kasama kung anong size ng tshirt ko, medium, sagot ko sunod na tanong niya, ako ...