tatlong bote ng Cobrang walang laman muna ngayon
pupunuin ng mga ginupit na plastik iyon
bubunuin ko ang gawaing iyon sa maghapon
na baka nga abutin pa ng isang linggo roon
ah, tatlong bote lang muna, kalaban ay mahina
mabuting may ginagawa kaysa nakatunganga
para sa kalikasan, at ako'y may napapala
habang nageekobrik ay naglalaro ang diwa
samutsaring paksa ang dumadaloy sa isipan
hinahabi ang mga akdang sa diwa'y naiwan
ang mga taludtod at saknong nga'y sinasalansan
pinagsasalita rin ang anino sa kawalan
nagtatapos at nagtatapos ang pageekobrik
habang sa isip, may nakatha habang nagsisiksik
sa mga bote ng pinaggupit-gupit na plastik
at pag nagpahinga, nasa diwa'y isasatitik
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa ika-128 anibersaryo ng pagpaslang sa Supremo
SA IKA-128 ANIBERSARYO NG PAGPASLANG SA SUPREMO pag-alala sa kamatayan ng Supremo at ating bayaning Gat Andres Bonifacio kasama ng kapatid...

-
ANG DAAN PATUNGONG QUIAPO matapos ang dalawang dekada'y muling bumili ng librong Trip to Quiapo na akda ni Ricky Lee ang naunang libro n...
-
KAWAWA NAMAN ANG BUWAYA kawawa naman ang buwaya sa tusong trapo iginaya dahil ba sa kapal ng balat o pangil, kaytinding kumagat buwaya'y...
-
KaWaWà aba'y mahirap ding maging kasaping maralità sa Ka pisanan ng mga Wa lang Wa là ( KaWaWà ) kalunos-lunos na ang kalagayan namin...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento