napatitig ako sa langit matapos ang unos
samantalang kanina'y kaylakas nitong bumuhos
buong ngitngit ng kalangita'y tila di maubos
habang kaysarap ng ulam naming tuyo at talbos
mapanglaw ang langit, nangingitim ang alapaap
tila ang pagngangalit ng bagyo'y di pagpapanggap
baka pag di alisto'y kasawian ang malasap
kaya sa matibay na moog ka manahang ganap
matapos daw ang unos ay mayroong bahaghari
o balangaw na sa dulo'y may gintong nasa gusi
subalit iyon ay alamat lang na di mawari
datapwat kayrami pa ring nagbabakasakali
naalala ko tuloy sina Ondoy at Yolanda
sila ba'y magkapareha o naging mag-asawa?
mga unos na kaytindi ng epekto sa masa
kaya maghanda't mag-ingat pag bagyo'y manalasa
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Tatlumpung segundong katahimikan, ani Ka Leody
TATLUMPUNG SEGUNDONG KATAHIMIKAN, ANI KA LEODY tatlumpung segundo ang hiningi ni Ka Leody kaunting katahimikan sa Miting de Avance upang ala...

-
ANG DAAN PATUNGONG QUIAPO matapos ang dalawang dekada'y muling bumili ng librong Trip to Quiapo na akda ni Ricky Lee ang naunang libro n...
-
KAWAWA NAMAN ANG BUWAYA kawawa naman ang buwaya sa tusong trapo iginaya dahil ba sa kapal ng balat o pangil, kaytinding kumagat buwaya'y...
-
KaWaWà aba'y mahirap ding maging kasaping maralità sa Ka pisanan ng mga Wa lang Wa là ( KaWaWà ) kalunos-lunos na ang kalagayan namin...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento