sa ulo'y nagkakamot habang naroon sa ilang
kung anu-ano'y nasa isip lalo't naiilang
dapat maligo't may balakubak, sa ngayon ilang
buwan nang lockdown na sa mga poste'y nagbibilang
gugupitin ang kuko, gagamitin ang kukote
ang mga pasaway ba'y bakit nila ginugulpi?
paano nila tinitiris kung mama'y salbahe?
bakit nadamay sa tokhang ang batang inosente?
marami nang namatay sa coronavirus ngunit
marami rin daw ang gumaling, ang kanilang giit
ngunit siksikan na sa mga ospital, ang sambit
paano kung maralitang gipit pa'y magkasakit?
milyon na'y nawalan ng trabaho, paano ngayon?
saan kakayod upang pamilya'y may malalamon?
bata pa'y apektado sa kanilang edukasyon
sa bagong normal na ito'y paano pa aahon?
- gregbituinjr.
Martes, Hulyo 14, 2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Barya lang po sa umaga
BARYA LANG PO SA UMAGA nagtraysikel ako upang puntahan ang pinapakay sa isang tanggapan upang pagamutan ay mabayaran upang hirap ng loob ay ...
-
HILA MO, HINTO KO SA TAMANG BABAAN doon lang ako umupo sa loob ng sasakyan habang samutsari ang tumatakbo sa isipan nang mabasa ang karatula...
-
KAYRAMING MAKA-DIYOS ANG DI MAKATAO mas nais kong magsulat kaysa sundin sila sa tradisyon nila tuwing semana santa tangi kong nagawa'y m...
-
dalawang klaseng disenyong nais kong ipagawa tatak sa tshirt na itinataguyod kong kusa na sumasalamin sa pagkatao, puso't diwa baka pag ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento