kaming mga aktibista'y may prinsipyo't dignidad
kakampi ng dukha, tumutulong sa kapuspalad
nilalabanan ang burgesyang may utak-baligtad
dahil sakim at sariling interes lang ang hangad
aming itatayo'y isang lipunang makatao
na sa karapatan ng bawat tao'y may respeto
at walang pagsasamantala ng tao sa tao
kung saan bawat isa'y nagtutulungan sa mundo
hangga't may mga pagsasamantala sa lipunan
hangga't patuloy ang kahirapan at kaapihan
asahan ninyong patuloy pa rin kaming lalaban
asahan ninyong tibak ako hanggang kamatayan
kaming mga aktibista'y may prinsipyo't dignidad
na ipinaglalaban at sa masa'y inilalahad
ang kabulukan ng sistema'y aming nilalantad
dahil nais naming dukha'y isama sa pag-unlad
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Tahimik na pangangampanya sa ospital
TAHIMIK NA PANGANGAMPANYA SA OSPITAL naisuot ko lang itong t-shirt kagabi na bigay sa akin sa Miting de Avance nina Ka Luke Espiritu at K...

-
ANG DAAN PATUNGONG QUIAPO matapos ang dalawang dekada'y muling bumili ng librong Trip to Quiapo na akda ni Ricky Lee ang naunang libro n...
-
KAWAWA NAMAN ANG BUWAYA kawawa naman ang buwaya sa tusong trapo iginaya dahil ba sa kapal ng balat o pangil, kaytinding kumagat buwaya'y...
-
PAGSUSUMIKAP kailangan ko ba ng inspirasyon upang makamit ko ang nilalayon? o dapat ko lamang pagsumikapan ang pinapangarap ko kung anuman? ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento