di ako sanay manahimik bagamat tahimik
tabil ng pluma ko'y naglilingkod na parang lintik
pag naisasaloob ko ang masang humihibik
bawat hirap nila't pagdurusa'y sinasatitik
nagmamarka iyon sa buo kong kaibuturan
nagsisilbing apoy na nagpaningas sa kalamnan
upang itaguyod ang bawat ipinaglalaban
ako man ay malayo sa sentro ng kalunsuran
puso'y humihibik sa nakikitang pagdurusa
malayo man, pluma ko'y matinding nakikiisa
sinasabing sa bawat pagkilos ay may pag-asa
upang kamtin ang asam na panlipunang hustisya
hirap ng mga kasama sa diwa'y sumasagi
habang patuloy pa rin ang pakikipagtunggali
hindi tayo titigil hangga't hindi nagwawagi
huwag hayaang bulok na sistema'y manatili
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa unang death anniversary ni misis
SA UNANG DEATH ANNIVERSARY NI MISIS depresyon ang dumapo di batid ang gagawin tila nais sumuko ng diwa ko't damdamin biglâ ang...
-
SONETO SA WORLD POETRY DAY W orld Poetry Day, na isang araw ng panulaan O araw din ng mga makata't talinghagaan R ahuyo ang indayog...
-
Mga tiket ng bus basura na ba sila matapos bumaba ng bus na mahalagang papel sa paglalakbay mong lubos na naipon ko pala sa bag patunay ng g...
-
aba'y di ako de-kotse, paa lang ang gamit ko laging naglalakad di lang dahil ito ang uso di kasi elitista, dukha ang buhay sa mundo i...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento