umuulan-ulan, umaambon-ambon kahapon
subalit kayganda ng pagsikat ng araw ngayon
at nawa'y ulanin ang maalinsangang maghapon
nang madiligan din ang mga tinanim na iyon
kaysarap ulamin ng pinatubong alugbati
laga man o ginisa'y makadarama ng ngiti
upang mukhang marami, sanga'y pinaghati-hati
ngunit paumanhin kung sa lasa'y napapangiwi
patuloy pa rin ako sa paggawa ng ekobrik
sapagkat nakapagtipon ng isang linggong plastik
paggugupit-gupiting maliit at isisiksik
sa di pa sintigas ng batong boteng inekobrik
habang may coronavirus pa sa sandaigdigan
at mga tao'y nasa kani-kanilang tahanan
isang tula para sa araw ng kapaligiran
ang kakathain ko, ngayon nga'y pinagninilayan
- gregbituinjr.
06.04.2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa ika-25 anibersaryo ng kamatayan ni Ka Popoy Lagman (2 tula)
SA IKA-25 ANIBERSARYO NG KAMATAYAN NI KA POPOY LAGMAN - Tula 1 isa lamang ako sa karaniwang tibak na nakadaupang palad siyang personal haban...
-
SONETO SA WORLD POETRY DAY W orld Poetry Day, na isang araw ng panulaan O araw din ng mga makata't talinghagaan R ahuyo ang indayog...
-
PAG AKO'Y NAKATUNGANGA, AKO'Y NAGTATRABAHO pag ako'y nakatunganga, ako'y nagtatrabaho pag nakatitig sa kisame, nagninilay...
-
KAWAWA NAMAN ANG BUWAYA kawawa naman ang buwaya sa tusong trapo iginaya dahil ba sa kapal ng balat o pangil, kaytinding kumagat buwaya'y...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento