tanong ng pamangkin ko, bakit notbuk pa'y dala ko?
sa loob ng kubeta gayong maliligo ako
sagot ko, baka may maisip, isulat na ito
panahon din ng pagkatha ang pag-upo sa trono
binasa ko sa kanya ang tula ko sa pagkusot
na sa sinumang babasa'y di ko ipagdaramot
marahil ganyan talaga ang utak ko kalikot
kumakatha sa anumang sitwasyon sa palibot
kahit umaandar ang dyip, kwaderno't pluma'y handa
upang isulat yaong biglang pumasok sa diwa
sa L.R.T. man, barko o eroplano'y kakatha
sa anumang lugar, ang pluma ko'y magsasalita
ganyan nga, na kahit sa kubeta'y dala ang notbuk
upang uriratin ang mga dinanas at dagok
upang usisain bakit may mga di maarok
upang isulat ang samutsaring laman ng tuktok
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Paskil sa sahig ng traysikel
PASKIL SA SAHIG NG TRAYSIKEL may abiso sa sahig ng traysikel kong sinakyan: "Bawal manigarilyo" tagos sa puso't diwa'y um...
-
HILA MO, HINTO KO SA TAMANG BABAAN doon lang ako umupo sa loob ng sasakyan habang samutsari ang tumatakbo sa isipan nang mabasa ang karatula...
-
KAYRAMING MAKA-DIYOS ANG DI MAKATAO mas nais kong magsulat kaysa sundin sila sa tradisyon nila tuwing semana santa tangi kong nagawa'y m...
-
dalawang klaseng disenyong nais kong ipagawa tatak sa tshirt na itinataguyod kong kusa na sumasalamin sa pagkatao, puso't diwa baka pag ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento