sisiw ay pinagmasdam ko sa kanilang pag-inom
nauuhaw, kaya uminom ng tubig o danum
at bukod sa uhaw, marahil sila rin ay gutom
nakatutuwang tingnan habang ang bibig ko'y tikom
unti-unti kong binibidyo ang kanilang buhay
habang sa araw at gabi ako'y nakasubaybay
upang masulat ang paglaki ng mga inakay
na ngayon ay umiinom at kumakaing sabay
ilang beses ko rin naman silang nalitratuhan
at itinula rin ang kanilang bagong tahanan
sila'y mga manok lang ngunit may buhay din naman
at minulan ng sangkahig, sangtukang kasabihan
nawa'y magsilaki silang kumpletong labing-isa
sa mabuting pangangalaga ng kanilang ina
wala sanang mamatay na isa man sa kanila
kaya pakainin ng pampalaki't pampagana
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ilang araw nang di makatula
ILANG ARAW NANG DI MAKATULA ilang araw na rin pala akong di nakatula planong bawat araw isang tula'y di na nagawa ano kayang sanhi bakit...

-
ANG DAAN PATUNGONG QUIAPO matapos ang dalawang dekada'y muling bumili ng librong Trip to Quiapo na akda ni Ricky Lee ang naunang libro n...
-
KAWAWA NAMAN ANG BUWAYA kawawa naman ang buwaya sa tusong trapo iginaya dahil ba sa kapal ng balat o pangil, kaytinding kumagat buwaya'y...
-
KaWaWà aba'y mahirap ding maging kasaping maralità sa Ka pisanan ng mga Wa lang Wa là ( KaWaWà ) kalunos-lunos na ang kalagayan namin...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento