asahan mo, irog
ang aking pagluhog
puso'y dinudulog
pagsinta'y kaytayog
asahan mo, sinta
nasa puso kita
laging narito ka
buhay ko't lahat na
asahan mo, giliw
sa harana'y saliw
pagsinta't aliw-iw
na di magmamaliw
asahan mo, hirang
saka'y nililinang
upang huwag lamang
poste'y binibilang
alam mo, mutya
ng buhay kong dukha
pagsinta'y panata
at tunay na sumpa
asahan mo, liyag
puso kong binihag
mo'y naging panatag
salamat sa habag
asahan mo, mahal
pagsinta mang bawal
o pagsinta'y banal
kita'y magtatagal
- gregbituinjr.
Huwebes, Mayo 7, 2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Buwaya
BUWAYA tila buwaya'y mukhang Lacoste pangmayaman, pangmay-sinasabi: ang "Their Luxury, Our Misery" na patamà sa mga salbahe i...

-
ANG DAAN PATUNGONG QUIAPO matapos ang dalawang dekada'y muling bumili ng librong Trip to Quiapo na akda ni Ricky Lee ang naunang libro n...
-
PAG AKO'Y NAKATUNGANGA, AKO'Y NAGTATRABAHO pag ako'y nakatunganga, ako'y nagtatrabaho pag nakatitig sa kisame, nagninilay...
-
SONETO SA WORLD POETRY DAY W orld Poetry Day, na isang araw ng panulaan O araw din ng mga makata't talinghagaan R ahuyo ang indayog...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento