Sa pagsikat ng araw
halina't mag-ehersisyo pagsikat nitong araw
upang tayo'y mainitan sa panahong maginaw
matapos nito'y hihigop ng mainit na sabaw
habang aalmusalin naman ang natirang bahaw
patutukain muna ang mga alagang sisiw
habang kaysarap pang nahihimbing ang ginigiliw
habang naninilay ang pagsintang di magmamaliw
habang nagsusulat ay may awiting umaaliw
di makapag-text, mahalaga'y unahing madalas
imbes na load, binili muna'y tatlong kilong bigas
unahin muna ang tiyan, wala mang panghimagas
imbes na load, binili'y dalawang latang sardinas
gigising at sasalubungin ang bagong umaga
bago pagkat sa kalendaryo'y iba na ang petsa
ang alay ng bukangliwayway ay bagong pag-asa
para sa masa, para sa bayan, at sa pamilya
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Barya lang po sa umaga
BARYA LANG PO SA UMAGA bilin doon: / barya lang po / sa umaga habang aking / tinatanaw / ang pag-asa na darating / din ang asam / na hustis...
-
HILA MO, HINTO KO SA TAMANG BABAAN doon lang ako umupo sa loob ng sasakyan habang samutsari ang tumatakbo sa isipan nang mabasa ang karatula...
-
KAYRAMING MAKA-DIYOS ANG DI MAKATAO mas nais kong magsulat kaysa sundin sila sa tradisyon nila tuwing semana santa tangi kong nagawa'y m...
-
dalawang klaseng disenyong nais kong ipagawa tatak sa tshirt na itinataguyod kong kusa na sumasalamin sa pagkatao, puso't diwa baka pag ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento