Munting payo para sa kapaligiran
paghiwalayin mo ang basura
sa di mabulok, nabubulok na
bote, plastik at lata sa isa
ang di nabubulok, mabebenta
dahong tuyo at pagkaing panis
ibaon sa lupa't di magtiis
sa amoy, paligid na malinis
ay kayganda, di na maiinis
disiplinahin din ang sarili
pamilya, kaibigan, kaklase
itapon lang ang balat ng kendi
sa basurahan at di sa kalye
ito'y munting payo, kababayan
bansa'y ituring nating tahanan
nang luminis ang kapaligiran
huwag itong gawing basurahan
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Baril ang diwà, bala ang salitâ
BARIL ANG DIWÀ, BALA ANG SALITÂ ang manunulat ay mandirigmâ pistola, glock o garand ang diwà bala naman ang mga salitâ ganyan din maghandâ a...
-
SONETO SA WORLD POETRY DAY W orld Poetry Day, na isang araw ng panulaan O araw din ng mga makata't talinghagaan R ahuyo ang indayog...
-
PAG AKO'Y NAKATUNGANGA, AKO'Y NAGTATRABAHO pag ako'y nakatunganga, ako'y nagtatrabaho pag nakatitig sa kisame, nagninilay...
-
KAWAWA NAMAN ANG BUWAYA kawawa naman ang buwaya sa tusong trapo iginaya dahil ba sa kapal ng balat o pangil, kaytinding kumagat buwaya'y...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento