Ang propitaryo
Propitaryo, profit o tubo'y laging isip nito
Rimarim na uri na yakap ay kapitalismo
O kaya'y pinagpala lang daw sila't may negosyo
Pulos sarili'y nasa isip, di magpakatao
Isip lagi'y paano iisahan ang obrero
Tubo lang umiikot ang puso ng propitaryo
At pag di nila kauri'y hampaslupa ang trato
Ramdam lagi'y nanakawan ang tulad nilang tuso
Yamang sa salapi't tubo ang isip nakasentro
Oo, sila'y balakid sa lipunang makatao
- gregbituinjr.
Linggo, Abril 19, 2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pagbabalik sa lungsod
PAGBABALIK SA LUNGSOD nakabalik na sa Maynila itong pagod kong puso't diwa mula sa nayon ng diwata kong minumutya, namayapa kapayapaan ...

-
ANG DAAN PATUNGONG QUIAPO matapos ang dalawang dekada'y muling bumili ng librong Trip to Quiapo na akda ni Ricky Lee ang naunang libro n...
-
KAWAWA NAMAN ANG BUWAYA kawawa naman ang buwaya sa tusong trapo iginaya dahil ba sa kapal ng balat o pangil, kaytinding kumagat buwaya'y...
-
ESENSYA matagal ko nang itinakwil ang sarili upang sa uri at sa bayan ay magsilbi lalo na't ayokong maging makasarili sapagkat buhay iyo...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento