namamatay ako tuwing gabi, buong magdamag
nagtutungo sa ibang daigdig, naglalagalag
nagkakaroon ng espasyo ang buhay na hungkag
nabubuhay muli sa bukangliwayway na sinag
at muli't muli tuwing gabi'y muling namamatay
at ako'y nagbabalik sa pinagdaanang hukay
at doon ko sinasariwa ang sugat at lumbay
na humiwa sa aking puso't pagkataong taglay
di mapakali sa buhay na sakbibi ng hirap
di makamit yaong mga gintong pinapangarap
di maisatitik ang mga dusang lumaganap
di matingkala yaring buhay na aandap-andap
mabubuhay muli pag bukangliwayway na'y napit
habang sa dulo ng patalim ay nangungunyapit
sabay tanong: ano, sino, saan, kailan, bakit
at paano, sa iwing buhay na pulos pasakit
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Gulunggulungan pala'y Adam's apple
GULUNGGULUNGAN PALA'Y ADAM'S APPLE batid natin kung ano ang alak-alakan o likod ng tuhod, nababaluktot naman batid din natin pati an...

-
ANG DAAN PATUNGONG QUIAPO matapos ang dalawang dekada'y muling bumili ng librong Trip to Quiapo na akda ni Ricky Lee ang naunang libro n...
-
KAWAWA NAMAN ANG BUWAYA kawawa naman ang buwaya sa tusong trapo iginaya dahil ba sa kapal ng balat o pangil, kaytinding kumagat buwaya'y...
-
PAG AKO'Y NAKATUNGANGA, AKO'Y NAGTATRABAHO pag ako'y nakatunganga, ako'y nagtatrabaho pag nakatitig sa kisame, nagninilay...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento