Linggo, Enero 19, 2020

Manliligaw ni Medusa

kaygandang mukha ng isang dalaga
tila baga siya'y isang diyosa
na sasambahin sa tuwi-tuwina
kayrikit din ng kanyang mga mata

at Medusa raw ang kanyang pangalan
haranahin ko kaya sa tahanan
kay-amo ng mata pag nasulyapan
tila nangungusap ang matang iyan

ano itong ibinulong sa akin
nitong isang nais siyang maangkin
karibal ba siyang dapat lupigin
o kaibigang dapat unawain

anong ganda ng mata ni Medusa
talagang ikaw ay mahahalina
huwag mo lang daw katitigan siya
at baka ikaw ay maging bato pa

- gregbituinjr.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Bawal mapagod

BAWAL MAPAGOD bawal mapagod ang diwà, puso't katawan magpahinga pa rin ng madalas at minsan habang naghahanda sa matitinding laban sa pa...