kaylakas ng bagyo'y kumakatha
habang naglalaro yaring diwa
habang tinititigan ang baha
habang paligid ay basang-basa
palutang-lutang ang mga plastik
at naglaglagan ang bungang hitik
mga basurang puno ng putik
ang sa isipan ay tumititik
basang-basa ang buong sampayan
luray-luray ang nasa isipan
kinatha'y di mo basta matingnan
baka mabasa'y sinapupunan
kaytindi ng bagyong nagngangalit
pati diwa ng mamang makulit
kinakatha ang mga pasakit
upang sa papel ay ibunghalit
pagkabagyo'y puno ang alulod
habang lumilikha ng taludtod
sa saknong ay itinataguyod
ang kaisahang di naaanod
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Paskil sa sahig ng traysikel
PASKIL SA SAHIG NG TRAYSIKEL may abiso sa sahig ng traysikel kong sinakyan: "Bawal manigarilyo" tagos sa puso't diwa'y um...
-
HILA MO, HINTO KO SA TAMANG BABAAN doon lang ako umupo sa loob ng sasakyan habang samutsari ang tumatakbo sa isipan nang mabasa ang karatula...
-
KAYRAMING MAKA-DIYOS ANG DI MAKATAO mas nais kong magsulat kaysa sundin sila sa tradisyon nila tuwing semana santa tangi kong nagawa'y m...
-
dalawang klaseng disenyong nais kong ipagawa tatak sa tshirt na itinataguyod kong kusa na sumasalamin sa pagkatao, puso't diwa baka pag ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento