di ko hahayaang mamatay sa pakikibaka
nang di inaayos ang taktika't estratehiya
ayokong nakatunganga lang habang may problema
dapat makiisang lagi sa laban sa kalsada
di ko hahayaang mabuhay sa gutom at hirap
ang sawimpalad na gaya kong laging nagsisikap
lalabanan natin ang mapang-api't mapagpanggap
itatayo ang makataong lipunang pangarap
di ko hahayaang basta paslangin ang kung sino
dapat laging igalang ang karapatang pantao
dapat may panlipunang hustisya't wastong proseso
magkaisa upang lahat ay nagpapakatao
di ko hahayaang mamatay na nakatunganga
dapat kaya nating harapin ang anumang sigwa
dapat nating itayo ang hukbong mapagpalaya
at dapat maorganisa ang uring manggagawa
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Tahimik na pangangampanya sa ospital
TAHIMIK NA PANGANGAMPANYA SA OSPITAL naisuot ko lang itong t-shirt kagabi na bigay sa akin sa Miting de Avance nina Ka Luke Espiritu at K...

-
ANG DAAN PATUNGONG QUIAPO matapos ang dalawang dekada'y muling bumili ng librong Trip to Quiapo na akda ni Ricky Lee ang naunang libro n...
-
KAWAWA NAMAN ANG BUWAYA kawawa naman ang buwaya sa tusong trapo iginaya dahil ba sa kapal ng balat o pangil, kaytinding kumagat buwaya'y...
-
PAG AKO'Y NAKATUNGANGA, AKO'Y NAGTATRABAHO pag ako'y nakatunganga, ako'y nagtatrabaho pag nakatitig sa kisame, nagninilay...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento