Nobyembre disiotso'y huwag nating kalimutan
pagkat petsa ito ng pagyurak sa kasaysayan
ang petsang inilibing ang diktador sa Libingan
ng mga Bayani, gayong walang kabayanihan
ikalabingwalo ng Nobyembre'y bakit naganap
sampung araw bago pa iyon ang Korte'y nangusap
na pwede nang malibing ang "bayaning" mapagpanggap
sa libingang sa madla'y di naman katanggap-tanggap
"Hukayin! Hukayin!" sigaw ng marami: "Hukayin!"
ilipat na sa ibang libingan ang labi't libing
"Libingan iyon ng mga bayaning magigiting!"
"Diktador ay di bayani, dapat iyong tanggalin!"
diktador ay nilibing doong parang magnanakaw
ang bituka yata nila'y sadyang ganyan ang likaw
Nobyembre disiotso'y petsang tumatak ang araw
ng muling pagtaksil sa bayang sa hustisya'y uhaw
kaya kumilos tayo sa Nobyembre disiotso
gunitain ang petsa't dinggin ang hiling ng tao:
sa Libingan ng mga Bayani'y maalis ito
Di bayani ang diktador, di siya para rito!
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Narinig lang po
NARINIG LANG PO minsan, narinig kong isang kasama'y nagsalitâ: "Bantayan n'yo si Greg, pagkat mga isyu ng dukhâ at lipuna...
-
SONETO SA WORLD POETRY DAY W orld Poetry Day, na isang araw ng panulaan O araw din ng mga makata't talinghagaan R ahuyo ang indayog...
-
ANG PAALALA huwag mong basta iiwan gamit mo kung saan-saan lola'y kabilin-bilinan laban sa asal-kawatan naiwan mo lang sandali upang luh...
-
PAG AKO'Y NAKATUNGANGA, AKO'Y NAGTATRABAHO pag ako'y nakatunganga, ako'y nagtatrabaho pag nakatitig sa kisame, nagninilay...


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento