kahit isang kusing lamang ang matira sa bulsa
tuloy pa rin sa layuning makapag-organisa
dumugo man ang noo't ilong sa pakikibaka
tuluy-tuloy pa rin ang ugnayan sa uring aba
naghihirap man, patuloy sa dakilang layunin
maglakad man ng malayo para sa adhikain
tutuparin ang misyon at niyakap na hangarin
upang kamtin ang pinapangarap na simulain
kamulatang makauri, karapatan ng dukha
panawagan ng mga ninunong kasama'y madla
hustisyang panlipunan, karapatan ng paggawa
ay dapat isapuso't diwa tungo sa paglaya
minsan, kahit mumo na lang ang matira sa pinggan
patuloy pa rin sa pagkilos, pakikipaglaban
minsan, kahit mababad man sa araw sa lansangan
gagawin ang layunin hanggang mapagtagumpayan
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Asukal na ama
ASUKAL NA AMA ang tanong sa Dalawa Pababa ay Sugar Daddy , ano nga kaya? Asukal na Ama ba'y sagot ko? sapagkat tinagalog lang ito lah...

-
ANG DAAN PATUNGONG QUIAPO matapos ang dalawang dekada'y muling bumili ng librong Trip to Quiapo na akda ni Ricky Lee ang naunang libro n...
-
KAWAWA NAMAN ANG BUWAYA kawawa naman ang buwaya sa tusong trapo iginaya dahil ba sa kapal ng balat o pangil, kaytinding kumagat buwaya'y...
-
KaWaWà aba'y mahirap ding maging kasaping maralità sa Ka pisanan ng mga Wa lang Wa là ( KaWaWà ) kalunos-lunos na ang kalagayan namin...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento