dalawang bagay: naglagay doon ng paalala
dahil doon palaging nagtatapon ng basura...
o nang-aasar, pagkat kung saan may karatula
aba'y doon pa nilalagay ang basura nila!
mapapaisip ka minsan sa ganitong ugali
ang naglalagay ba ng basura'y tanga o hindi?
kung nasaan ang karatula'y nagtatapon lagi
o hindi raw sila marunong magbasa, kunyari
mga dayo ba sila sa bansa't di maunawa?
ang simpleng paalala't mga payak na salita
anong disiplina mayroon sila't utak biya?
at nagtapon sa harap ng karatulang ginawa
katawa-tawang pangyayari o nakakainis
di malaman kung magagalit ka o bubungisngis
mensahe sa karatula'y igalang nang luminis
ang lugar na iyon, nang basura'y agad mapalis
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Isang buwan na ngayon sa ospital
ISANG BUWAN NA NGAYON SA OSPITAL Abril a-Tres noong isinugod si misis sa ospital sapagkat di na maigalaw ang kanang kamay, braso, hita, bint...

-
ANG DAAN PATUNGONG QUIAPO matapos ang dalawang dekada'y muling bumili ng librong Trip to Quiapo na akda ni Ricky Lee ang naunang libro n...
-
KAWAWA NAMAN ANG BUWAYA kawawa naman ang buwaya sa tusong trapo iginaya dahil ba sa kapal ng balat o pangil, kaytinding kumagat buwaya'y...
-
ESENSYA matagal ko nang itinakwil ang sarili upang sa uri at sa bayan ay magsilbi lalo na't ayokong maging makasarili sapagkat buhay iyo...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento