Sabado, Oktubre 19, 2019

Masangsang ang amoy ng mga berdugo

marami na silang pinaslang na batang inosente
collateral damage lang kung ituring ang nangyari
bata ba'y nagdodroga, nagbebenta, bumibili?
bakit mga bata'y nadadamay sa insidente

peke ang gerang itong walang alam na solusyon
kundi pumatay ng walang proseso, nilalamon
na sila ng sistemang sila rin ay nagugumon
gawang di sibilisado't wala na sa panahon

bakit ba kung sumentensya sila'y napakabilis
para lang silang lumalapa ng asong may galis
kung may sala ay daanin sa wastong paglilitis
huwag bariling animo'y tumitiris ng ipis

amoy ng mga berdugo'y ito'y sadyang masangsang
nakakasuka ang pamahalaang mapanlinlang
wala silang karapatang basta na lang pumaslang
tandaang karapatang pantao'y dapat igalang

- gregbituinjr.
* kinatha sa ikalawang araw ng palihan hinggil sa karapatang pantao, Oktubre 19, 2019

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Paskil sa sahig ng traysikel

PASKIL SA SAHIG NG TRAYSIKEL may abiso sa sahig ng traysikel kong sinakyan:  "Bawal manigarilyo" tagos sa puso't diwa'y um...