lumipad akong kaytulin tulad ng ipuipo
bakasakaling di na ako abutan ng bagyo
habang nagniningning ang alitaptap sa dulo
ng ilang na patutunguhan ay di mo makuro
sumpa man, di ako si Batman, at di rin si Robin
lalo na't di ako ang kalaban nilang si Penguin
isa lang akong hampaslupang walang lupang angkin
o kaya'y dukhang sa di ko lupa inaalipin
yaring puso kong nasasaktan ay nais mag-amok
di ko maawat, ayaw paawat, nais manapok
ngunit bakit naglipana ang laksa-laksang lamok
gabi na pala't tinatablan na ako ng antok
magtitimpla muna ako ng mainit na kape
dapithapon pa lang ngunit animo ito'y gabi
mabibitag ko pa kaya ang mapanirang peste
bakasakaling ang kabukirang ito'y bumuti
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa huling araw ng Hunyo
SA HULING ARAW NG HUNYO pulos sulat di maawat pulos tulâ ang mahabâ ang pasensya habang masa ninanasa ay hustisya iyan pa rin ang gagawin ta...

-
ANG DAAN PATUNGONG QUIAPO matapos ang dalawang dekada'y muling bumili ng librong Trip to Quiapo na akda ni Ricky Lee ang naunang libro n...
-
KAWAWA NAMAN ANG BUWAYA kawawa naman ang buwaya sa tusong trapo iginaya dahil ba sa kapal ng balat o pangil, kaytinding kumagat buwaya'y...
-
ESENSYA matagal ko nang itinakwil ang sarili upang sa uri at sa bayan ay magsilbi lalo na't ayokong maging makasarili sapagkat buhay iyo...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento