kapara ko'y bungong nakatunganga sa kawalan
nakatitig sa kisame, may ulap sa isipan
tangay ng hangin mula kanluran tungong silangan
nananaginip, lumalaban doon sa sabungan
magkano bang inyong pusta sa aking talisayin
magaling itong umiwas nang dagitin ng lawin
matikas, maginoo, mahinahon pa't abuhin
marami nang nabiktimang dumalaga't inahin
bungo pa rin akong sa kawalan nakatunganga
kagaya ko rin lang ang mga maharlika't dukha
sinumang tao'y mamamatay, mangmang at dakila
isinilang ng hubad, ibabaon din sa lupa
hiling ko'y huwag pagkaitan ng luksang parangal
may munting programa, na di pala tayo imortal
may tutula, kahit tingin man nila ako'y hangal
na tulad ko palang tibak ay kumilos ng banal
- gregbituinjr.
Miyerkules, Setyembre 4, 2019
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa aking lunggâ
SA AKING LUNGGA ang noo ko'y kunot sa aking lungga nagninilay sa ilalim ng lupa naghahanda sa malawakang sigwa diwa, pluma't gulok a...

-
ANG DAAN PATUNGONG QUIAPO matapos ang dalawang dekada'y muling bumili ng librong Trip to Quiapo na akda ni Ricky Lee ang naunang libro n...
-
PAG AKO'Y NAKATUNGANGA, AKO'Y NAGTATRABAHO pag ako'y nakatunganga, ako'y nagtatrabaho pag nakatitig sa kisame, nagninilay...
-
SONETO SA WORLD POETRY DAY W orld Poetry Day, na isang araw ng panulaan O araw din ng mga makata't talinghagaan R ahuyo ang indayog...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento