HALINA'T MAKISANGKOT, MAKIBAKA
"The hottest place in Hell is reserved for those who remain neutral in times of great moral conflict." ~ Martin Luther King Jr.
anila, namamatay sa laban ang matatapang
at nabubuhay ng matagal ang may karuwagan
mas matagal din ang buhay ng walang pakialam
makasarili at sa kapwa'y walang pakiramdam
sa panahon ng kagipitan, tahimik ka lang ba?
bayan mo na'y sinasakop, tutunganga ka lang ba?
natatakot ka bang masangkot sa pakikibaka?
kahit kapwa mo'y nangangailangan ng hustisya?
natatakot ka bang sa kilos-protesta'y sumali?
dahil baka magkasakitan lang doon sa rali?
kung alam mong mali, magiging bulag ka ba't bingi?
sa pagkilos ba'y mananatili kang atubili?
anong silbi mo sa bayan, kumain at matulog?
makinig lang sa sinasabi ng pinunong hambog?
pag sinama sa rali, tuhod mo ba'y nangangatog?
o baka nais mo nang parisan ang hipong tulog?
di ka dapat maging walang pakialam o nyutral
pagkat magpahayag ay di naman gawang kriminal
dapat lang tuligsain ang mga pinunong hangal
at tayo'y magsikilos upang hustisya'y umiral
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Paskil sa sahig ng traysikel
PASKIL SA SAHIG NG TRAYSIKEL may abiso sa sahig ng traysikel kong sinakyan: "Bawal manigarilyo" tagos sa puso't diwa'y um...
-
HILA MO, HINTO KO SA TAMANG BABAAN doon lang ako umupo sa loob ng sasakyan habang samutsari ang tumatakbo sa isipan nang mabasa ang karatula...
-
KAYRAMING MAKA-DIYOS ANG DI MAKATAO mas nais kong magsulat kaysa sundin sila sa tradisyon nila tuwing semana santa tangi kong nagawa'y m...
-
dalawang klaseng disenyong nais kong ipagawa tatak sa tshirt na itinataguyod kong kusa na sumasalamin sa pagkatao, puso't diwa baka pag ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento